umaga na pala!!
umaga na pala, hindi ko man lang napansin. utak ay pagod na ngunit mga mata’y nakadilat pa. subalit ito ay panimula pa lamang sa madaming araw at gabing dapat bunuin. umaga na pala sana ay maranasan ko ulit lambot ng aking kama. dama ko na sakit ng aking kalamnan, pakiramdam ko’y lumulutang sa kawalan. kawalang hindi mawari kung hanggang saan. kakayanin kaya ng aking katawan, o bibigay ito ng hindi ko nalalaman. sana hindi dahil madami akong dapat gawin, dapat tapusin. mga bagay na hindi dapat mabibinbin dahil oras ko ang mabibitin.